Archive for July, 2005

All that Jazz!

Tuesday, July 26th, 2005

Hindi ako naka-red kanina. E kasi naman, hindi ko alam na na-move na naman ang GA namin sa Cineaste. (Hay naku, E.S.! Impeach! Hehehehe!) Anyways, nag start na ang initial interview ng applicants namin at nalaman na namin yung mga basic info sa kanila tsaka yung mga mabababaw na aspeto ng buhay nila. Saya! Go Cineaste!

…..

Kamusta naman ang firewire kong kabibili pa lang nung sunday ay parang sinabunutan na? Hahaha! Kinabahan ako at pinagpawisan ng sobra nung hindi pa maayos ayos. Nakita ko rin yung mukha ni Dan J!!! Hahahaha!! Hala ka Dan J…Hahahahaha!!!

…..

Pumunta ako sa Greenbelt together with Mimi, Dimples, Andre, and E.S. Nandoon kami kasi ininvite kami ni Ms. Ellen Ongkeko-Marfil to view her film (VIP Screening) na inilapit niya sa amin para matulungan namin siya sa promotion ng film niya. After watching marami pa sa mga technicals ang kailangan i-polish pero nagandahan ako sa kanya: sa relasyon ng dalawang magkaibigan.

Ang daming artista at mga direktor. Yun lang. Nakita ko rin ang dean namin sa MassComm, Si Sir Nicanor Tiongson. Kasama rin sa film si Sir Joven Velasco. Hindi ko siya naging prof kasi natatakot ako sa kanya noon kaya hindi ko siya kinukuha. Pero mabait pala siya, very soft spoken.

After nun. Kumusta naman ang pag-iikot namin sa Greenbelt dahil hindi namin makita ang Mc Do na tagong-tago naman. Doon sinundo si Andre ng kanyang parents (ed: tita pala ni andre yung kasama ng dad niya kaya parent lang…sori andre!!!) at sumabay na rin kami hanggang EDSA. Hirap makahanap ng aircon bus ng mga oras na yun, mag i-eleven na. Haaaay…buti na lang safe kami nakarating. Sabi nga namin ni Mimi: Thank You Lord!

Para sa yo, Rain Knight/night rain.

Sunday, July 24th, 2005

Hinding-hindi ko makakalimutan ang una nating pagkikita. Nasa isa tayo sa sikat na establisyimento sa Unibersidad ng Pilipinas na talaga namang dinarayo ng lahat.

Ipinakilala ka sa akin ng isang kaibigan. Tinanguan mo ako noon, ganoon din naman ako. Wala ka pang halaga sa akin noon kasi hindi pa kita gusto noon sa kadahilanang mukha kang totoy at isa pa, may iba akong nagugustuhan noon.

Matapos noon. Matagal tayong hindi nagkita. Wala na akong narining pa tungkol sa ‘yo. Isinama na kita sa hilera ng mga nakakasalamuha ko sa napakalaking unibersidad na ito na maliit na ang tsansa na makikita ko pang muli.

Ngunit, mali pala ako. Magkikita pa pala tayo at ang isang ito ay pang-matagalan. Habang ako ay nag-aaral pa sa unibersidad na naging saksi sa ating pagdadaupang-palad, patuloy pa rin tayong magkikita at magkakasama.

Muli, hindi kita masyadong binigyang-pansin sapagkat may iba akong gusto (iba na ito sa nauna). Ordinaryo ka lang sa akin at parang kapatid pa ang turing ko sa ‘yo. Nang mga panahong ito ay nakabaling ang tingin ko sa isang tao na lubos kong hinangan sapagkat nakita ko sa kanya ang gusto ko sa isang lalaki.

Pero sa paglipas ng panahon, mas madalas na ang ating pagkikita at pagdadaupang-palad, mas nakilala kita, mas nakita ang tunay na ikaw. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit naglahong parang bula ang pagtatangi ko sa lalaking kumakatawan sa tipo at ideyal na lalaki para sa akin. Nainis ako sa sarili ko. Gusto ko sanang mainis sa yo kaya lang para saan? At ano ang dahilan? Magulo ang isip ko noon.

Lumipas ang mga araw. Unti-unti kang napalapit sa akin…

Nalaman ko na kaya ako naiinis sa sarili ko ay dahil hinayaan kong masira ng isang katulad mo ang pamantayan ko sa isang lalaking gusto ko. Sinira mo iyon.

Sabi ko na nga ba e. Hindi dapat ako nagtatatag ng pamantayan dahil alam kong sa bandang huli ay ako rin ang sisira noon…nagbabago ang tao, ito ang kaisipang hinayaan kong dumausdos mula sa tuktok ng aking kukote pababa sa talampakan ko.

Naaasar ako sa iyo kasi napaka-gentleman mo. Naiinis ako sa iyo kasi pinasasaya mo ako sa tuwing magkasama tayo. Nababanas ako sa iyo dahil napapangiti mo ako. Ayoko sa iyo dahil nalulunod ako sa presensya mo, na sa takot ko na malamon ng alon ay lumalayo ako kapag nadarama ko na pinapailalim na ako ng malakas na hampas nito.

Nababato ako sa iyo kasi gusto kita.

Dinasal ko sa Maykapal na bigyan ako ng lakas na labanan ka sapagkat sinasalanta mo ang aking katauhan. Nabahala ako na sinisira mo ang konsentrasyon ko at tuon sa aking Dakilang Tagapaglikha at Tagapagligtas.

Dumating ang panahon na naiiyak na lamang ako at tanging ang unan ko lamang ang pumapahid sa aking mga luha. Oo, pinahirapan mo ako ng sobra.

Pinanalangin ko sa Maykapal na kung hindi lang naman para sa akin ay kuhanin Niya na at alisin ka na Niya sa aking sistema. Pero bakit hanggang ngayon ay naiisip pa rin kita? Sa tuwina’y lagi na lamang akong humihiling sa Diyos na bantayan ang aking puso.

Minsan naiintindihan kita. Minsan hindi. Pero gusto ko rin naman ng misteryo at mga pagsubok. Ngunit sana ay dumating na rin ang araw ng pagpapasya.

Kailan kaya imumulat ng Mahal na Maykapal ang iyong puso, aking "ulan sa gabi"?

Kailan kaya ikaw sasakay sa iyong kabayo, aking Kabalyero ng Ulan?   

Mah Pips!!!

Saturday, July 23rd, 2005

Last night, nag-chat kami ng ‘pare’ ko na matagal ko nang hindi nakakausap at nakikita…si Bokolandia/bokz/bokol…pero sa totoong buhay, siya si john michael luat!!! Nakaka-miss ng sobra sobra itong lalakitang ito! Kasi naman, siya ang kaharutan ko dati!!! Ang sarap din nitong kaasaran, lalo na pag nakikita kong nakakunot na ang noo, pero hindi pa rin mapigil yung pagngiti! Ahahahaha!!! Sakuragi, miss ko na talaga ito!!! Miss ko na sila ni vlade na lilipad palang canada! hindi nagsasabi sa akin, naka-chat ko siya nito lang week na ‘to! hmph!!!

Nag-usap kami sa amingmga lablayp! At nakakatawa ang sa kanya!!! Wahahahaha!!! Aaaahahaha! Si bokol, natatakot sa tatay!!! Ahahahaha!!!

Pero sabi ko nga sa kanya…isa lang ang totoo: Mas cute at maganda pa rin ako sa mga girlfriends nila!!!! Wahahahahahaha!!!!

Wala na yung magagawa! Sinabi ko na e!

Oo na lang yan…Ahahahaha!!! Kung hindi alam na niya ang mangyayari sa kanya!

Ahahahahaha!!! Tatatalsik siyang parang isang bola ng baseball!!! Ahahahaha!!!

At dahil nag-text na yung girl, at pinatutulog na siya (at nakakaasar! minsan na lang mag keep in touch e…) sunod naman si bokolandia!!!

HOY BOKOL! iPAKILALA MO KO DIYAN HA! pROMISE MO YAN!!! sAPAKIN KITA E!

…..

Hindi pa tapos ang adventure kagabi, dahil naka-chat ko ang isa pang mahal kong kaibigan: si marky!!! sa tunay na buhay ay si mark joshoua supan!

Aba, nalaman ko na naiilang pala sa akin itong napakalambing kong kaibigan na guwapo din! (hehehe…) nagui-guilty kasi hindi nakarating sa debut ko noon at na-paranoid na hindi ko na raw siya pinapansin at hindi na raw ako nakikipag-landian at harutan (aka wrestling) sa kanya! Pinaparusahan ang sarili sa mga iniisip…

sabi ko naintindihan ko naman dahil may reason naman siya pero sana daw nagpunta pa rin daw siya…

Marky na marky pa rin!!!

Marky! okay lang yun! Magkaibigan pa rin tayo!

Miss ko na rin ‘to…

Magkikita din kami…one of these days!!!

What’s with the hair???

Saturday, July 23rd, 2005

I am so flattered. This past week, ang daming nakapansin sa buhok ko. I would not deny na nafa-flatter ako.

chesca said to me: astrid, i like your hair today!

same with e.s.: asta, i like your hair today!

laila: ate asta bakit ang itim ng buhok niyo ngayon?

lestie: bakit ayaw mong pakulayan yang buhok mo? itim na itim kasi e, para magkabuhay (or something like that)

even kuya temi: asta, alam mo, mas bagay sa ‘yo ang mahabang buhok. kais amy jaw ka so naso-soften ang feature mo pag mahaba ang buhok mo…

At marami pang iba…

Minsan, i say ‘thank you or thanks’, minsan i smile at them, minsan naman, i cant react na at feeling ko nagba-blush na ko…

but one thing is sure: Im flattered. Thanks guys!!!

Tip: every other day ang pag-shampoo pero daily use of conditioner. yun lang…

babay!

Carbonara at Chocolate Kiss!!!

Saturday, July 23rd, 2005

Ang saya!!!

We just had a meeting with Mrs. Ellen Ongkeko-Marfil at Chocolate Kiss Friday morning. She asked our organization (UP Cineastes’ Studio) to help her in promoting her film,"Mga Pusang Gala" coz she will release it in commercial theatres. So, nandun ako, si e.s., si tez, si kriz, si andre, at si mimi ang na-appoint na maging project head ng event.

What made it more masaya was that she treated us for breakfast (brunch, actually). I ordered carbonara. It tasted good. Kaya naman pala ang mahal niya kasi good for two servings! Grabe, ang dami niya! Hindi ko naubos! Mahilo-hilo ako after kumain! Nakakahilo pala ang sobrang kabusugan! Hahahaha!!! Pero okay lang kahit medyo nahilo ako, libre naman e.

Busy na lalo ang Cineaste niyan…sbay kasi ng application period!

…..

Noong ML din nung friday, di ko na naman nakausap si kuya pol! Nakaka-miss si kuya pol. Ewan ko ba! Siguro dahil kuyang-kuya ang dating! Hehehehe! Gusto ko talaga ng kuya kaya siguro mas close ako sa mga friends kong guys. Sarap kaasaran e…masarap din kalaro ng wrestling! Hahahaha!!! Kaya tuloy ako nababansagang ‘one of the boys’ kahit mga magulang ko! Biruin nyo yon!

Pag tinanong nyo nga yung mga friend ko nung highschool, pero wag nyo na ring tanungin kasi wala kayong makukuhang matinong sagot sa mga yun, sasabihin nung mga yun: "ayan? si astrid? may manliligaw?! Mag-ingat na lang siya, baka suntukin lang siya noon at patalsikin siya! Ahahahaha!!! Kawawa naman!" (Mangunguna dito si bokol!!!)

Nakaka-miss sila!

Im loving it!!!

Saturday, July 23rd, 2005

I LOVE CINEASTE!!!

Sobrang hindi ko ma-explain kung bakit. Siguro dahil sobrang honest ng mga tao sa isa’t isa at kapag may problema sa isa ay sinasabi na agad sa taong naka-offend sa kanya upang mas mapag-usapan. Hindi rin judgemental ang mga tao…inaalam ang bawat side ng sitwasyon o ng mga taong involved sa problema. Kung may problema, pinag-uusapan agad, hindi na pinatatagal pa. Ang mas mahalaga naman ay ang pagiging open to criticism ng bawat isa. Kasi kung honest nga ang mga mems pero hindi naman open sa criticisms, malaking gulo yon…not with Cineaste.

I love Cineaste together with its imperfections.

Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba. Basta kami, masaya yuin ang mas mahalaga…wala kaming pakialam sa pinagsasasabi ng iba. Kung may problema sila, sila na lang mamroblema! Bakit pa namin poproblemahin yun? E masaya kami…never, hindi sila ang sisira sa amin, sarili lang namin dahil ang Cineaste ay matatalo lang ng Cineaste. In the first place, hindi naman kami nakikipag-kompetensiya…ewan ko lang sa iba, bakit ang laki ng problema nila sa amin.

Mayabang ang Cineaste, kupal, maangas…pero may ipagyayabang naman a…quoting Miss Ellen Ongkeko-Marfil.

Mahal ko ang Cineaste kahit para sa iba ay kupal siya, maangas siya, elitista at kung ano pa ang ibabato pa sa kanya. Mas lalo kong mamahalin ito pag mas pinupukol.

Sa mga Cineastes, mabuhay tayong lahat sa sunud-sunod na successful na events natin.

RESPECT IS ONE THING, TRUST IS ANOTHER.

Go go Cineaste kupal at maangas!!!

I love this day!!!! Really! (Well, thursday pa ‘to dapat pero hindi ako nakapag-net e…)

Friday, July 22nd, 2005

Nakakainis!!! Bakit ang saya saya ko? Feeling ko tuloy, any moment, may isang pangyayaring malulungkot ako ng sobra. As in ONE TIME, BIG TIME!

But im trying to brush that idea off my mind coz i dont wanna dwell on negative things. They only make me worry. I don’t like the feeling. Hmpfs!!! (Pagaya sa expression mo bokol, mah friend!)

Eneeweis!!! For the first time, nag-enjoy ako sa BC100 class ko. We talked about our final class project that will serve as our final exam, so that means no written exam…Yey!!!

I realised din na, Joaquin is not my crush anymore. Awww… But the good thing is, hindi na ko madi-distract sa discussions namin! Hehehe…

At last! Nalabas na rin ang memo na no classes from 1 onwards. No PI100!!!! Ahahahahaha!!! Buti na lang hindi ko ginawa ang regular reaction paper…imagine, every discussion we have to write a reaction paper about it then pass it next meeting…as in, walang katapusang reaction paper, minus the readings! Hah! WALANG KLASE!!!!!!! Wahahahaha!!!

I went to CCC tambayan, and saw many people there so i was very happy kasi minsan lang mangyari yan. We make chika chika to each other and waited for others for lunch. (We preconditioned ourselves that we would eat at BOMEKA or whichever is the name of that resto).

I was irritated and happy at the same time…i didnt know exactly why. Maybe, it was night rain and Rain Knight! Minsan i get so pissed off sa mga pinagagagawa niya! I dont know why…Tonta talaga ako.

Okay lang, kasi masarap naman ang beef tapa na kinain ko with matching cold milo! Ahhh…THE BEST! Plus i got the chance to taste the food of my companions. YUN yun E! I ate nga pla with Laila, Paolo, Aubrey, Lestie and Jopi.

After that…we went back to the tambayan…Again, nainis na naman ako! And I hate the feeling so i decided to go to CMC before i do something that i would regret later on! Yikes!!!

Pagdating ko doon, nandoon  ang mga friends sa hagdan! So upo na rin ako. Myk and I read the CINEMA log book and read something na tagusan…(di ba myk? Hahahahaha!!!) Then i felt the Mr Hyde in me, nag-surface ang ugali kong mahilig mang-provoke!!! Kung sino ang pino-provoke ko…isa lang ang sigurado…hindi si myk…

Bigla ako na-alarm kasi, may ten tickets pa ko fo the showing of Maximo Oliveros!!! Oh no! P500 din yun! So i asked my Cineastes’ Studio family to go there earlier to sell my ticks!!

Pagdating namin…nabenta ko lahat!!! Ahahahaha!!! Patok ang Maxi, box office hit kaysa sa Pepot Artista! Nagkulang pa nga sa tickets sa sobrang dami ng tao! 800 kasi ang seating capacity ng cineadarna, 1000 plus ang dumating, so nakasalampak sa sahig ang iba kahit nagdagdag na kami ng monoblock chairs!!! ASTIG!!!

Yun lang. Ahahaha!!!

Ultimate High!!!

Wednesday, July 20th, 2005

Kumusta naman ang internship ko? Malapit na matapos!!! Hahaha!!!

88 hours na ko!!! Hahaha!!! Maaga na rin akong umalis dahil may ultimate frisbee pa!!! at hindi ko naman matanggihan ang sports!!!

masaya talaga!!! tapo, tapos, umuulan-ulan pa!!! napaka-cinematic ng dating!!!!!!!!!

halatang masaya ako noh???

hahahaha!!! nandun din kasi si "Rain Knight" Ahahaha!!!!

sige, baka mabuko ko sarili ko!!! Ahay!!!

The Time of My Life!!!

Saturday, July 16th, 2005

Nakalimutan ko mag-post nung friday kasi nakatulog na ko! Dito ko na lang kuwento.

Una, pumunta ako kasama ng dalawa ko pang friends, kacey and apol, sa CCP for Cinemalaya Film Congress. Mas enjoy para sa akin ang biyahe papunta doon. Originally, kami lang dapat ni kacey kaya lang dahil hindi nagawa ni apol ang kanyang acad reqs, sumama na rin sa amin…(hahaha!!!). Okay na rin para sa akin, the more the merrier! Ang mas okay pa, alam ni apol ang papunta doon hindi katulad namin ni kacey na tonta. Hahaha! Ano kaya mangyayari sa amin kung hindi nakasama si apol? Siguro mas exciting ang journey…hahaha!!!

Anyways, sa buong duration ng journey ay tawa lang kami ng tawa…pinagtitinginan na nga kami sa mrt at lrt e. Pero ayos lang, basta masaya kami at wala kaming nasasaktang nilalang, keri lang.

Pagdating namin doon, sinalubong kami ng aming mga orgmates na nagvolunteer na tumulong sa arrangements ng Film Congress, kani raw ang dakilang Charlie’s Angels. Pero wala kaming Charlie. Sino gusto mag-apply? Ahahaha!!!

Pag, uwi namin, masaya na naman kami…nambulabog kami ng mga tao sa fx! Ahahaha!!! Pero naman, nag-enjoy din kaya sila sa mga pinag-kukuwentuhan namin…hahaha! Pati nga si manong driver e!

Pagdating ko ng UP, masaya pa rin ako kasi nakita ko naman ang CCC family ko! Yehey! Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit biglang umayos ang buhok ko? Kasi nung nasa Manila ako, tawanan kami ng mga friends ko kasi pasaway ang buhok ko! Tumitikwas yung bangs ko! Kaasar talaga!!! Pero,pero, pero ulit! Ayos lang, kasi umayos siya by the end of the day, at nakahinga ako ng maluwag knowing na may pag-asa pang naghihintay sa buhok ko. Ahahaha!!!

Ngayon naman, Sunday…ito: salamat at nai-burn ko na rin yung cd na ibibigay ko kay honey Lestie. Excited na ako ibigay sa kanya ito! Wanna share some part of me sa kanya, my friend, dahil may pagkapareho ng likaw ang bituka at utak namin! Mahilig kami sumulat at mang-bother ng tao sa pamamagitan ng pagtatanong ng ‘madalas’ ng mga tanong na sisira talaga sa uilo nyo! Mabuhay kami!!! Hahahaha!!! Sige mga tsong! Peace!

Masaya Ulit Ako!!!

Thursday, July 14th, 2005

Yey!!! Masaya ulit ako!!! Una, umulan…mahal ko talaga ang ulan. Gustung-gusto ko makipaglaro sa kanya…gusto ko na pumapatak siya sa mukha at balat ko…kaiba ang nadarama ko. Another reason is…nakasalamuha ko na rin at bumabalik ulit si "Rain Knight" sa kanyang kaisipan….hehe!

Trivia: si "night rain" at "Rain Knight" ay iisa. Pag hindi ko nagustuhan ang ginagawa niya…siya ay yung una; kabaligtaran yung sa pangalawa. Hehe!

Isa pang reason kung bakit ako masaya ay dahil…katatapos lang ng orientation ng Cineastes’ Studio. Maganda na naman ang kinalabasan…success!!! As of this sem…wala pa kaming pumapalpak na mga events and activities!!! Yehey!!!

Sunod naming activity ay ang Cinemalaya Independent Film Festival. Haggard! Pero ayos lang. ;)

Babaaaay!!!