Archive for August, 2005

Only Happy When It Rains

Tuesday, August 30th, 2005

Sometimes I feel this, it’s so hard to explain why…kasi kahit ako hindi ko alam kung bakit masaya ako pag umuulan kahit na na-associate ito sa kalungkutan. Basta ganun.

At ngayon nga ay naaasar ako sa ilang mga taong hindi marunong rumespeto sa mga napagkasunduan. Nakakakulo ng dugo, tapos pag sinabihan mo, sila pa ang nagmamagaling. Napahiya kasi e. Minsan kasi kailangan mong sabihin bluntly kasi paulit-ulit lang na bine-break yung rules. Nakakalungkot at nakakabugnot lang.

Only Happy When It Rains

I’m only happy when it rains
I’m only happy when it’s complicated
And though I know you can’t appreciate it
I’m only happy when it rains

You know I love it when the news is bad
And why it feels so good to feel so sad
I’m only happy when it rains

Pour your misery down, pour your misery down on
me
Pour your misery down, pour your misery down on
me

I’m only happy when it rains
I feel good when things are going wrong
I only listen to the sad, sad songs
I’m only happy when it rains

I only smile in the dark
My only comfort is the night gone black
I didn’t accidentally tell you that
I’m only happy when it rains

You’ll get the message by the time I’m through
When I complain about me and you
I’m only happy when it rains

Pour your misery down (Pour your misery down)
Pour your misery down on me (Pour your misery
down)
Pour your misery down (Pour your misery down)
Pour your misery down on me (Pour your misery
down)
Pour your misery down (Pour your misery down)
Pour your misery down on me (Pour your misery
down)
Pour your misery down

You can keep me company
As long as you don’t care

I’m only happy when it rains
You wanna hear about my new obsession?
I’m riding high upon a deep depression
I’m only happy when it rains (Pour some misery
down on me)

I’m only happy when it rains (Pour some misery
down on me)
I’m only happy when it rains (Pour some misery
down on me)
I’m only happy when it rains (Pour some misery
down on me)
I’m only happy when it rains (Pour some misery
down on me).

Sinasabi ko na nga ba!

Monday, August 29th, 2005

Nagising ako ng mga 10am kahapon (Sunday). Bigla na lamang ang bugso ng damdamin na magdesisyong umuwi sa Laguna. Nag-text ako sa Mama ko kung sure nang walang pasok ngayon (Lunes); hindi niya raw alam pero sinabihan ako na umuwi na lang din–nasa mall nga pala sila. Naligo ako at hinanda ang mga gamit na dadalhin ko sa pag-uwi. Tinatanong ko sila kung asa mall pa rin sila o pauwi na para malaman ko kung susunod ako sa mall o diretso na uwi. Pinapadiretso na nila ako sa bahay dahil paalis na rin sila. Ewan ko ba pero may kutob akong may bago sa pamilya namin–naisip ko na baka andyan na yung Toyota Vios na plano ni papang ma-acquire.

So nagdecide sila na mag-meet kami sa Jollibee San Pedro…napakain at napagastos pa tuloy ako ng di oras. Tumawag si Papa at sinabing nandoon na raw sila at nasaan na raw ako. Lumabas na ako at hinanap ang Revo namin pero somehow, hindi iyon ang hinahanap ko e…at nakita ko nga! SABI KO NA NGA BA! May dagdag na naman sa bahay namin. Yep, ang Vios na sana ay payagan akong dalhin sa UP. (Sana, sana, sana, sana…)

Yun lang! Pasalamat lang ako kay Lord sa mga blessings na dumarating sa pamilya ko.

Sunlight!

Sunday, August 28th, 2005

Ganito ang flow ng aking activities noong thursday to saturday:

August 25–Thursday: Shoot dapat ito ng experimental film ko, BUT THE SUN DIDN’T SHINE! Pasaway talaga ang sun! Alam niya kasi na mas gusto ko ang moon kaysa sa kanya. At may kutob ako na ayaw niya talaga makipag-cooperate since against sa kanya ang konsepto ko: Kapag maliwanag, naiingayan ako. Mas maliwanag, mas maingay at mas nakakairita. Yun! Kaya naman hindi ako nag take ng risk na ipagpabukas ang shoot ko. Pinakiusapan ko si Jerwin na kung puwedeng mag-shoot ako sa bahay nila since may halogen light siya. Payag naman siya! (Salamat Jerwin!!! Alabshu!)

Nag-shoot ako at in-edit na rin namin…at umabot kami ng til 5:30am!!!

Okay naman kasi relieved na ko na may ipapasa sa saturday exhibit namin.

August 26–Friday: Wala sana akong balak pumasok sa Expe e kasi feeling ko wala si Sir Lyle. Ang plan ko ay mag-shoot ng expe kung may araw. Remember, for safety lang yung ginawa ko kagabi; Plan B kung baga.

Kagagaling ko lang sa bahay nila Jerwin dahil umalis ako doon ng mga 8am. Kasama ko sina Mimi at E.S. Nag-text si Myles sa amin ni Mims at nagpapatulong mag-shoot ng expe niya so sabi ko sa kanya hintayin niya lang ako at maliligo lang ako sa boarding haus. So ang tanging dala ko lang ay ang videocam ko at pumunta na ako sa Vinson’s Hall kung saan kami magkikita. Medyo makulimlim kaya hindi na talaga ako nakapag-shoot ng Plan A ng experimental film ko. Hayaan na. May purpose si Lord kung bakit ayaw Niya akong pag-shoot gamit ang araw at kung bakit nag-shoot ako kagabi. I trust Him, mas alam Niya ang best para sa akin, hindi man umayon sa plano ko ang plano Niya, alam kong mas maganda ang sa Kanya.

Anyways, nag-suggest si Myles na pumunta kami ng Masscomm. Pagdating namin doon, nakita ko ang kotse ni Sir Lyle–ang astig na black Mazda 3! Pumasok siya, ibig sabihin…may pasok kami. Pagpasok ko sa room, ang konti ng tao pero keri lang. First time kong nakitang magsuot ng red shirt si Sir Lyle. Wala lang.

After noon ay may mga pag-uusapa pa kami na ayoko ng ikuwento pa. Basta ayoko lang.

…..

Talents night sa Movement Life ngayon sa CCC. Ang saya!!! Hahahaha!!! Nakakatuwa yung mga performances. Sayang nga lang at hindi ako nakasali sa chain namin kasi hindi ako nakasama sa practice.

Grabe ang pagkain, inihaw na baboy, isda, at manok! Anmg sarap!!! At ang registration? Thirty pesos lang! Sulit di ba??? Astig!

…..

After ng ML ay nagpunta naman ako sa Antipolo dahil may major activity ang Cineaste. Masaya naman ang naging kinalabasan kahit may mga taong mga pasaway ng konti. Nasabihan na naman sila at matatanda na sila para maintindihan ang salitang "respeto". At ang inyong lingkod ang naatasan na iparating ang pagsasabi sa mga nakaka-offend na ginawa ng mga pasaway na iyon dahil mas effective ‘daw’ ako (although kinakabahan ako dahil baka sa akin magtampo ang mga iyon). Um-oo na ako para maayos na rin. Yun!

Umuwi ako kasama ang iba ng mga 5:30 ng madaling araw. Yung iba ay nagpaiwan sa bahay ni Sanya kung saan ginanap ang activity.

August 27–Saturday: Nagising ako mga 11 am na kaya nagulat ako sa text ni Mimi maaga daw natapos ang class nila at hihintayin niya na ako dahil may usapan kami na pupunta sa bahay ni Jerwin para i-burn yung midterm namin sa experimental film. Sabi ko kagigising ko lang at hintayin niya ako. So, umuwi muna siya sa boarding haus. Nagkaroon ng misscommunication kaya mga 4 pm na kami nakadating sa bahay nila Jerwin. Inabot kami ng mga past 6 doon at after i-meet si Icang sa Eunilaine’s (tama ba?) sumakay na kami ng cab papuntang cubao dahil malakas ang ulan.

Nakarating din kami sa Marikina Shoe Expo sa Cubao kung saan gaganapin ang exhibition ng aming mga gawa. Hassle mga pare! Nakaka-intimidate ang mga taong nandoon na ininvite ni Sir Lyle. Ang aastig at mga artsy-artsy! Grabe! Ang dami ko ngang natutuhan sa mga pinagsasasabi nila e. Worth it ang pagpunta at pag-uwi ng mga 2am or 3am.

Grabe noh? Kamusta naman ang kakulangan ko sa tulog at pag-uwi ng maaga o sabihin na nating inabot ng umaga? Haggard pero kung ako ang tatanungin…MASAYA AKO!

AYOS!!!

Wednesday, August 24th, 2005

So kamusta naman ang araw ko? Ang haggard!!! Umagang-umaga, shooting agad sa Quezon City Circle. Haaay… Pero ayos lang, marami akong natututuhan sa larangan ng paggawa ng pelikula pati na ang mga ka-hassle-an na nakakabit dito.

Anyways, sinabi ng classmate ko sa experimental film na si Gayle na darating daw ngayon si Sir Lyle, since hindi kami nakapag-consult sa kanya nung monday kasi wala siya. KAILANGAN NA NAMING MAGPA-CONSULT SA KANYA! As in! Now na! Kaya naman habang nagshoo-shoot kami ng BILOG ay nag-send ako ng message kay sir kung anong oras siya sa masscomm; after lunch daw. KAMUSTA ANG AFTER LUCH!

Pero, pero, pero! Keri lang!!! Bakit??? Hmmm…

Una, nainip ako sa kahihintay sa kanya na past 3 na nang dumating.

Pangalawa, pagdating niya ay na-excite bigla ako…pero habang nakikipag-usap siya sa mga friends ko na kinukuha din siya sa expe, nag-iba ang pakiramdam ko…kinabahan ako sa kanya kasi iba ang aura niya! Scary!

Pangatlo, pagpasok namin sa A107B…hindi pa rin nagbabago ang kanyang expression kaya dinaan ko ang kaba sa pagpapatawa…at pagiging hyper.

Pang-apat, pinalabas niya kami dahil…one on one daw ang sistema ng consultation, dapat ng naman.

Panglima, habang nakasalampak sa carpeted na sahig sa labas ng room namin ay mas lalo akong kinabahan.

Pang-anim, nung ako na, ang bilis ng tibok ng puso ko, nakikita ang paggalaw ng aking damit. At kumusta naman ang pagpintig ng lahat lahat sa akin??? Ang leeg, ang pulso, ang mata…etc!

Pampito, relax na siya at pagkatapos niyang basahin ang konsepto ko ay sinabi niyang gawin ko na yun! Nagustuhan niya at mataas daw ang expectation niya!!! PRESSURE!!! Sabi niya, pag nagawa ko daw yun, ASTIG daw ako.

Natuwa naman ako. Yun lang.

Salamat Lord sa pakiramdam na binigay niyo sa akin na nagsilbing susi ng pagkakaroon ko ng isang kumikinang na konsepto.

ASTIG!

Friday, August 19th, 2005

Oo, astig talaga siya! Akala ko noon, bilib lang ako sa kanya at pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko siya crush…kasi nga hindi naman ako mahilig sa ‘rocker o punk’, mas gusto ko ang jock. But my effort was in vain kasi crush na crush ko na siya. Yez! Crush ko siya. And na-realize ko tuloy na hindi lang pala jock ang gusto ko…parang maliit na portion lang pala ng taste ko ang na-touch nun, gusto ko pala ang all kinds ng pagiging rugged (basta naman mabango noh!) mapa jock man yan o punk, o ano pa!

Sobrang na-crush-an ko pa siya kasi sobrang talino niya. Pag kasama ko siya, lumalabas ang tunay na ako…nagagawa niyang palabasin ang totoong ako nang walang effort. Alam kong totoong ako yon kasi magaan ang pakiramdam ko at hindi ako restricted. ASTIG KA!

Sabi nga ni Icang nung i-block "niya" ang way ko para kausapin sa isang shooting na pinuntahan namin, nagseselos daw siya…hehehe…crush din siya ni Ics. ;) HELLO! Sobra naman ang tibok ng puso ko…kinabahan ako nung kausapin niya ako. Biruin mo yon sa akin lang siya naka-focus (kasi kami lang namang dalawa ang nag-uusap e), nakakaloka talaga. Hindi ko nga naintindihan yung sinabi niya, nakatulala lang ako at inulit pa niya iyon, sa pangamba ko na isipin niyang tuod ako, um-oo na lang ako sa sinabi niya ng hindi ko nalalaman kung ano ang in-affrim ko! Yikes di ba?

MULI, ASTIG KA MOON TRASHER!

Mga bagay-bagay III

Friday, August 19th, 2005

And another…

August 15 (Monday)

After missing my Comm141 class last monday, I decided to attend the class for attendance sake (marami akong natututunan pero kasi minsan nawawala na ang usapan sa topic…at nasasayang ang oras…yun lang naman.)

After nito, I went straight to the CCC tambayan kung saan may malapit na computer shop (na kung saan parang hindi marunong ngumiti ang mga nakabantay…grabe ang business ng pagsimangot huh!) What did I do there? I typed my reaction paper in PI and researched my assignment in Expe about the Psychology of Colors.

I decided to miss my class in PI100, and had one of my groupmates to pass my paper (I went to our classroom before the class started). But why Asta why? Coz I wanted to go to Sir Lyle’s shoot. Mas marami akong matututunan doon–the real deal hindi lang mga teorya.

This time kasama ko sina Icang, Jerwin, Chinggay, Mims, Joyce, Richard, Princess, Jillian, Vince, Nep…ah..ah…yun lang yata e. Nag-pass kami ng paper and ng second projects…yung monday class, yung rationale ng kanilang mid term. Katulad kahapon, masaya kami kahit haggard ang nakikita kong mga gawain sa pinili kong larangan. Kinausap namin yung mga crew, yung exec prod, kahit mga actor…sabi namin kay sir wag na kaming pakausap kay Bryan Revilla pero tinawag pa rin…

Anyways, nakita na naman namin ni Icang yung crush namin na guy na parang samurai warrior–haba ng buhok, singkit ang mata, moreno, rugged-looking. haay… siya nga pala ay naka-assign sa special effect ng film.

August 16 (Tuesday)

Walang significant na nangyari, tamad na tamad kami ni Mims. Buti na lang, approved na yung concept namin sa thesis. All we need to do is research!

…..

Kumain kami sa Tokyo Tokyo ng Cineaste pips. Aligaga na ako by this time kasi malapit na yung midterm ko sa PI100. Kailangan ko ng grace ni Lord.

August 17 (Wednesday)

NATAPOS NA RIN SA WAKAS ANG AKING INTERNSHIP SA STAR CINEMA! Salamat naman! Yey!!!

…..

Hindi ko na naman napigilan ang aking sarili na maglaro ng ultimate frisbee kahit mag-throw lang. Nakaka-alis ng stress e, lalo na kinabukasan na yung midterm sa PI.

…..

Amazing talaga si Lord…Thank You for sustaining me with strength and wisdom sa pag review kahit hindi pa tapos (to be continued pa ang review session ko).

August 18 (Thursday)

Dahil mas kailangan kong tapusin ang aking pagbabasa sa mga writings ni Rizal (hindi pa kasama ang dalawang nobela niya), lumiban na naman ako sa BC100 for the second time…consecutive pa yan. Ayos lang naman sa akin kasi, tuluy-tuloy ang daloy ng impormasyon habang ako’y nagsasagot ng exam sa PI100.

Haay…natapos din ang midterm, mga 3/4 pala, may take home pa kami e. Lupit no?

…..

Punta ako sa shoot ng thesis ni Tans. Nandoon si Irma Adlawan, nakalimutan ko na siya pala ang actress ni Tans. Sarap ng spaghetti! Ang light ng atmosphere.

…..

Nakipag-bonding ako sa aking bro sa Sunken Garden kasama sina Dwight at Revin. Naglaro kami ng ultimate frisbee. Tapos umalis muna ako para kunin ang mga gamit ko kasi uuwi ako ng Laguna. Pagbalik ko, naglalaro pa rin sila, pero nung dumilim na, naglatag sila ng mat o kumot tapos nagpahinga sila doon. Nainggit ako kaya nakiupo na rin ako, and pinapalipas ko ang rush hour bago ako umuwi para hindi hassle sa MRT at sa biyahe sa South Super Highway. Ang sarap makipagkuwentuhan sa kanila…basta nasiyahan ako! Pakiramdam ko napakalalim ng tuwa na naramdaman ko noon. Minsan kasi tumatawa ako ng malakas pero napaka-superficial lang noon. Iba ito.

Yun lang.

Mga bagay-bagay II

Friday, August 19th, 2005

So the updating is still on. Im enjoying this thing called blog. At least, for now…Here it goes:

August 14 (Sunday)

After the shoot yesterday, I planned to these stuff this morning (coz Im going to Sir Lyle’s shoot with Erik Matti as the director of the movie):

*bring my dirty clothes to the laundry house

*do my PI 100 reaction paper (due tomorrow)

*bother E.S. with my expe project (due tomorrow)

Sadly, hindi ko sila lahat nagawa! Hah! So much for planning…har, har…

I texted Mims if she would want to go with me to the meeting place for Sir Lyle’s shoot. She hesitated first because she and her boyfriend Rod were scheduled for a medical check up. Fine. So I prepared myself. Then Mims texted me again and told me that she had re-scheduled and that she would go with me. Okay…(I knew it…hahahaha!!!)

So, we went to the meeting place–Star Mall (but not really, nasa skywalk lang kami, connected sa MRT station ng Shaw Blvd, yung may maraming mga food stalls at isa doon ang sikat na Pizza stall na mura na, masarap pa!) One o clock nandun na kami…well, ayun naman talaga ang usapan. KZ and Icang were already there eating pizza. Now, where’s Leo? Oh Leo? We waited for him for like, count this, two hours. Pero tama sina Icang, kahit na anong inis mo sa sobrang late ni Leo, pag nakita mo na siya, mawawala na yung galit mo…Leo is such a sweet freak! Ang charm, nag-uumapaw. Haaay…leo…

Nonetheless, nakarating pa din naman kami. At whoa! Ang ganda ng set!!! Imagine, nasa isang malaking warehouse kami (located sa San Juan) na parang kinalimutan na ng panahon pero pag pumasok ka sa set…ASTIG! Nagawa nilang mala-palasyo ang lugar. Tapos, yung community pa na kunwari ay nasa loob ng bundok…ang ganda, naaalala ko ang Waterworld, Peter Pan, Cutthroat Island at iba pang fantasy adventure na films! Ang galing!!! Hanep talaga ang production design. Nalaman namin na maraming mga taga-UP doon, in fact, ang illustrators ng set ay mga fine arts studs sa Peyups! Nakana!!

…..

After ng shoot ni Sir Lyle (hindi pala kami sabay umuwi ni Mims, nauna siya kasama si Ace Bright), sabay kami umuwi nila KZ, Leo at Icang. Ang ingay namin sa MRT kasi naaalala namin yung nagyari sa mga baboy (real baboys talaga)–nakuryente yung isa kasi nadale niya yung kable ng kuryente, tapos nag-stop siya at "um-aray", tapos, tumigil din at nanigias sa takot ang iba niyang mga kasamahan. Sinabi ng AD (asst. director) na:" Cut! Yung baboy nakuryente, paki ayos lang ng kable. " Hindi maka-take kasi kailangan gumagalaw ang mga baboy! Ahahahaha!!! Nakakawa yung baboy pero hindi ko mapigilan ang tawa ko!!! Ahahahaha!!!

Anyways, pumunta ako kina Ace Pungay at Jerwin kasi I need to edit my project sa Experimental Film, dahil tomorrow na siya kailangan. Pero naman! Before I got there, nagkaligaw-ligaw ako at naka-dalawa pa akong trike! Nagreklamo pa yung unang nasakyan ko…pero buti na lang, mababait ang mga nasakyan ko…pray ako ng pray kay Lord na i-protect ako…salamat talaga sa Kanya! Pagdating ko doon mga 9pm or 10pm na yun, nakita ko si Seneca na nagshoo-shoot din siya for her music video para sa BC elective niya. Ganda nga ng boses niya e, akala ko professional singer na iba lang ang version pero siya rin pala yung kumakanta sa cd, ni-record niya sa lab nila. Ganda talaga! Hinintay kong matapos sila nina Jerwin kaya mga around 11 na ako naka-start mag-edit at inabot kami ng mga 2:30 ng umaga, bumili rin pala kami ng food sa 7/11 na sponsor ni Seneca. Inspite of the time, I chose to sleep sa bhaus ko. Mas komportable, and hassle na kina Jer, di ba? Abuso…Hehehehe!

Mga bagay-bagay I

Thursday, August 18th, 2005

Im back!!! For those of you guys (Rox!) na inaabangan ang susunod na mga pangyayari sa aking buhay–mga tid bits lang naman ito at hindi kabuuan kaya huwag magmagaling na alam nyo na ang lahat sa akin! hahaha! (taray mode), don’t be sad, don’t worry, be happy!

Eto na! Eto na! Hear ye! Hear ye!

August 10 (Wednesday)

Kahit na masakit ang aking ulo ay pinilit ko pa rin na pumasok sa internship ko sa Star Cinema. Instead of going there at 8 o clock, I arrived there at around 10 o clock. I was groggy and still dizzy pero nagawa ko rin siya!

After that, I went to the Sunken Garden to watch my CCC family play ultimate Frisbee. I also talked to Kuya Pol bout some things and he gave me advise na alam kong praktikal na gawin at galing talaga sa puso kasi nae-experience niya rin (but not playing the role I played yesterday…kabaligtaran.) Medyo guilty pa rin ako kaya I badly needed time to be alone with God. And saan ko pa ba siya makakausap at makaka-bonding kundi sa piling ng kalikasan! (Oh no! The babaylan (priestess) part of me is coming out!) Somehow, na-relax ako at naliwanagan sa encounter na ito with God through His creation.

…..

August 11 (Thursday)

Nag-date kami ni Ate Jone! God is good! Kapos na kasi ang allowance ko at natuwa talaga ako nang sabihin ni Ate Jone na libre niya! Woohoo! Galing galing! Ang way nga naman ng pag-provide sa akin ni Lord! Astig!

…..

August 12 (Friday)

NAKITA KO SI MOON TRASHER!!! Kilig ako! Hahahaha! Astig talaga siya! Pareho pa kami naka-green at army style ang aming damit! Nakana!!! Haay…hindi niya naman kailangan pumasok e, sa tingin ko, gusto niya lang ako makita kaya siya nag-aksaya ng panahon na pumunta sa UP! Yay!!! (ANG KAPAL KO! Walang kokontra, blog ko ito!)

Pumunta kami ni Ate Vic at Revin sa bahay ni Nicole para mag set-up na for their thesis (Vic and Nicole), since ako ang kanilang production designer at kailangan karerin ko ngayon kasi wala ako ng umaga sa shoot kinabukasan–make-up class sa PI 100 na lubusang katamad-tamad para sa akin sapagkat lahat ng mga ginawa namin ay pawang mga pag-uulat lamang tungkol sa ISA ni Louis Althussser. On the contrary, may mga pagkakataong nag-eenjoy ako. Hehehe…labo. Anyways!Dahil sa sobrang pagmamahal sa pinili kong kurso at dahil na rin sa passion, nakalimutan kong may kailangan akong i-send na research sa classmate ko para sa aming report patungkol sa gobyerno bilang ISA at RSA. Nyay!!!

…..

August 13 (Saturday)

Inisip kong ang panahon ko sa pagitan ng 9 o clock ng umaga at 5 o clock ng hapon ay magiging kabagot-bagot. Pero natakluban ito ng kasiyahan na bunga ng magandang kondisyon ng panahon na pabor sa shoot nila Ate Vic at Nicole. Sobrang haba ng pagtitiis ko na matapos na ang mga reports para makalipad na ako patungo sa mga bisig ng aking napiling propesyon!

Nagpahintay pa ako kay Jopi na sa aking pakiramdam (pakiramdam lang naman) ay naaasar na sa akin at hindi na malaman kung saan huhugot ng pasensya sa matagal kong pagsulpot sa AS lobby, ang napagkasunduang tagpuan. Pero mabuti na lamang at preoccupied ang kanyang mind ng kanyang katatapos na exam. Hehehe.

May isa pa akong karumal-dumal na krimen, pinapunta ko na agad si Revin sa Shangri-la ng mga 5 (so much for "15 minutes!") Pero nasabi niya sa akin na ayos lang dahil nakasalamuha pa niya ang mga CHK pips doon na nagpo-promote ng bagong sapatos na labas ng Nike.

Bago pala kami magkita-kita nila Rev, napatagal kami dahil pinili ni Jopi ang comfort kaya namali kami ng labas–instead of Shang, napunta kami sa Edsa Central Mall! Sabi niya tine-test lang daw ako…huh! Namali pa ng pasok, pumasok ba naman sa exit! Hahahaha!!!

So, nakarating din ako sa shoot. Naexcite akong makita na nandoon ang aking mga kabarong sina Tonet, Leo, Kz at Bebs. Sa sobrang excited, lumabas lahat ng energy ko at hindi na napigilan ang adrenaline rush (o surge para sa case ko). Mas lalo akong nawindang nang dumating si Moon Trasher. ASTIG!

Let it Rain on Me

Wednesday, August 10th, 2005

So the original plan sa aming UBE (ultimate bonding experience) ay mag videoke somewhere. But yesterday, only six of us out of 27 active members came:E.S., Mimi, Aina, Andre, Kriz and Me. Change plan: Dinner at Katipunan or SM North? We chose neither of the two. Instead we went to Baywalk (Roxas Blvd) and had our dinner there.

Later on, Arvin followed. He had his car with him and said that he was going to Timog Ave to get something…so we went to Timog Ave. Aina said she wanted to drink "A" drink. All of them agreed but me.

We went to a certain place ("D") in Katipunan and got drowned. I hate the feeling. I felt dizzy and threw up! I DID IT AGAIN!!! When will I ever learn? I should think before I act. And then, if I decided to do something or have something, i should be responsible and know my limitations…BUT NO! I did the exact opposite. STUPID ME!

(Id like to thank Kuya Pol for the advice…I can always count on you…common thing na naman natin yan…kaya nga lang, baliktad di ba?)

Ito ang tinuro sa akin ni Lord sa experience na ‘to:

Do not conform any longer to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God’s will is–his good, pleasing and perfect will.

Romans 12:2

Paolo and DJames!

Monday, August 8th, 2005

Nag-enjoy ako sa company ni DJames kanina sa tambayan. Hindi na ko nakapasok ng Comm141 ko kasi late na late na ako at marked absent na rin. (Ewan ko ba at bakit ako na-late. Maaga naman akong gumising…siguro dahil natutulala ako habang kumukuha ng damit at habang naliligo at habang nagbibihis…siguro nga…)So I decided to go na lang sa tambayan ng CCC at nakita ko doon si Paolo, nagbabasa ng El Filibusterismo…hehehe. May class daw siya ng 10 PERO hindi na pumasok. Bukas na lang daw…(ginigising na namin ni DJames ‘to…ang hirap pala nitong gisingin!!!)

Hahahahaha!!!

So, obvious naman na dumating na si DJames…naku!!! Ayaw ko man aminin, nasiyahan ako sa company nitong lalakitang ito!!! Wahahahaha!!! Ang sarap ka-biruan (huwag lang akong kakalitiin, kasi wa poise talaga ako…naglulupasay ako sa sahig…kadiri no?)

Nanlibre pa ng monay!!! Hahahahaha!!! Saya!!!

Ang masasabi ko lang sa kanya: "DJames, Ikaw ay isa sa malalanding lalaking nakilala ko!"