Archive for October, 2005

^_^

Sunday, October 30th, 2005

Like an apple tree among the trees of the forest is my lover among the young men.

I delight to sit in his shade, and his fruit is sweet to my taste.

He has taken me to the banquet hall, and his banner over me is love.

Strengthen me with raisins, refresh me with apples, for I am faint with love.

His left arm is under my head, and his right arm embraces me.

Daughters of Jerusalem, I charge you by the gazelles and by the does of the field: Do not arouse or awaken love until it so desires.

Listen! My lover! Look! Here he comes, leaping across the mountains, bounding over the hills.

My lover is like a gazelle or a young stag. Look! There he stands behind our wall, gazing through the windows, peering through the lattice.

From the Book of Song of Songs (Chapter 2, Verses 3-9)

Te Amo

Sunday, October 23rd, 2005

SONNET XVII–Pablo Neruda

I do not love you as if you were the salt-rose, topaz

or the arrow of carnations that propagates fire:

I love you as certain dark things are loved,

secretly, between the shadow and the soul.

I love you as the plant that never blooms

and carries hidden within itself the light of those flowers,

and thanks to your love darkly in my body

lives a dark fragrance that rises from the earth.

I love you without knowing how, or when, or from where,

I love you simply, without problems nor pride:

I love you in this way because I do not know any other way of loving you,

but this in which there is no I or you,

so intimate that your hand upon my chest is my hand,

so intimate that when I fall asleep it is your eyes that close.

(Spanish Version)

No te amo como si fueras rosa de sal, topacio

o flecha de claveles que propagan el fuego:

te amo como se aman ciertas cosas oscuras,

secretamente, entre la sombra y el alma.

Te amo como la planta que no florece y lleva

dentro de si, escondida, la luz de aquellas flores,

y gracias a tu amor vive oscuro en mi cuerpo

el apretado aroma que ascendio de la tierra.

Te amo sin saber como, ni cuando, ni de donde,

te amo directamente sin problemas ni orullo:

asi te amo porque no se amar de otra manera,

sino asi de este modo en que no soy ni eres,

tan cerca que tu amno sobre mi pecho es mia,

tan cerca que se cierran tus ojos con mi sueno.

I am really in love with this sonnet. ^_^

Tinubuan na ako ng ugat!

Thursday, October 20th, 2005

Ang kapatid ko na si Thots ay pabalik na galing sa retreat–Leadership training sa Rizal, apat na araw siya roon simula noong Monday…hindi ako nakasama…Huhuhu…

Ngayon naman ay nakaalis na ang father ko papuntang Cebu upang dumalo sa seminar o conference…naiwan sa aking pangangalaga ang Vios! Pero anong kapalaran naman ito! Hindi pa ako nakakakuha ng lisensiya kaya hindi ko mailabas ang oto!!! Ano ba!!! Huhuhuhu…

—–

Nag-date nga pala ako nung Sunday…

Father ko ang kasama ko. (Kala mo ha!)

Pinaayos namin si Revo at naglibot sa mall na kadikit lang ng pinagpaayusan namin…naghanap kami ng rubber shoes. Ibibili niya raw ako. Nagulantang ako! Wala namang pasabi si papa! Nanggugulat!

E wala akong nagustuhan kaya after ipaayos si Revo…fly kami papuntang Festival Mall. Nagpunta kami sa Hall of Fame at doon nakita ko ang aking "partner in lakaran" ang pangalan niya ay FILA. Ang puti niya… Humingi ako ng size ko sa babaeng nandoon at maya-maya ay paglingon ko…may nakaharap akong lalaki na nakangiti at sinabing "hi ma’am! pili lang po kayo!" Nagulat ako! Ang lapit ng mukha niya ha! Kagulat talaga oy! Ngumiti lamang ako at sinabing "meron na po…"

Nainis pa ata sya dun sa babae dahil sa kanya daw dapat yung benta na yun…hahaha!!!

Tawa lkang yung babae! Hahaha!

After noon, nagbalak din bumili ng rubbershoes si papa pero bago yon e bumili muna kami ng fresh fruit shakes! Hahaha!

Balak namin bumili ng damit para sa bunso kong kapatid na lumalaki na (as in tumataba…magka-size na kami ng blouse!) HInanap namin siya..AT may nakuntsabahan akong blouse na purple!!! Nginitian ko ng sobrang tamis ang tatay ko at sinabing "pa, bili mo ko nito…" Hahahaha!

Binili ako. Hahahaha! Binabalak namin bumili ng aso…Hehehehe!

Piktyur Preym

Thursday, October 20th, 2005

Gising na!

–Oo gising na nga e!

Kain na ng breakfast…

–Kumakain na. (Burger patties with rice)

Maglinis ka na!

–Dapat. E Linis na ang bahay e. Akyat na lang ako sa taas. Maghuhukay ng gagawin…Marami akong naiisip.

E di umakyat ka na!

–Teka. Bakit ang konti yata ng medals ko? (Tingin sa frame ng sa kapatid ko.) Bakit ang konti talaga?

E di ba…pinamigay mo sa mga kaibigan mo nung graduation ng highschool!!! Tonta!

–Ah oo nga pala. Hehehe…

Bakit mo naman kasi pinamigay?

–Bakit ba nangengelam ka sa akin? Tignan mo nga at nakalimutan ko na yung mga medals na yun!

SO?

–bagay lamang sila! Kapag ang materyal na nakikita ay maganda lang sa mata pero wala naman iba pang gamit…BAGAY LANG YON; kapag may gamit naman pero hindi magandang tignan sa mata o walang kaganda-ganda…KAGAMITAN LANG YON. Ang okay kapag maganda na sa mata, may gamit pa.

Di ko gets…

–ang medal ay hindi sapat na sukatan ng kakayahan o katalinuhan ng tao, kahit ang mga trophies, plaka, diploma…nasusukat yun sa pagsasakatuparan ng napag-aralan o nalaman sa pamamagitan ng pagkilos para makagawa…

Ahh..e bakit mo binigay sa mga kaibigan mo?

–Marahil sa akin walang halaga o gamit iyo pero sa mga binigyan ko meron…yung sa charcoal painting binigay ko sa bestfriend ko na gumuguhit din para mas magpursige siya na gumuhit pa; yung isa sa kaibigan ko na pinangarap na magka-medal sa buhay estudyante niya…nais ko lamang maging bahagi sa pagkamit niya sa pangarap na iyon, kahit napakaliit na parte lamang; yung iba, bilang simbolo ng pakikiisa sa kanila, na bahagi sila ng mga tagumpay ko…

Ang drama…

–minsan…di ko ikakaila…bawat isa naman sa atin may drama ang buhay..

Sabagay…O ano na? Ano na gagawin mo linis na bahay?

–di ba nga maghahalungkay ng magagawa! Di ka nakikinig!!!

Wake me up when…

Tuesday, October 18th, 2005

First sem has come and passed

Requirements were done at last

Wake me up when LTI ends…

Bakit ako?

Sunday, October 9th, 2005

Unang kita ko pa lamang sa iyo ay nabighani na ako sa taglay mong kagandahan. Isa kang nilalang na nagpapaalala sa akin ng dakilang karunungan ng Lumikha.

Hindi ko masukat ang kalungkutang iyong nadarama sa pagkahiwalay mo sa iyong ina sa murang edad. Nagsisikip ang aking dibdib kapag naiisip ko na ang isang tulad mo na bagong sibol pa lamang sa mundong ito ay mamumulat na sa uri ng naghaharing sistema.

Kailangan mo pang mawalay sa iyong ina upang pagsilbihan ang inyong amo na nagmamay-ari at naghahari sa inyong buhay.

Nakuha mo ang aking loob nang walang paltos kang sumusunod sa kahit saan ako magpunta. Humahabol ka sa akin. Siguro’y inakala mo na ako ang iyong ina. At ako ay lubos na natuwa. Noong gabi ding iyon, hinayaan kitang matulog sa silid ko.

Para sa iyo na namulat agad sa karahasan ng mundo…

Para sa iyo na nawalay agad sa ina sa murang edad…

Para sa iyo na kasing-kulay ng mga letrang bumubuo sa mga salitang ito…

Magpakatatag ka at piliting mabuhay sa kabila ng presensya ng dalawa kong pusa.

Para sa iyo ito "sisiw na walang pangalan"

Nais kitang alagaan hanggang sa maging ganap na manok ka na…

Muli, Mag-ingat ka sa mga pusa ko! (Takbo lang at sigaw!)

Having the Time of my Life!!!

Sunday, October 9th, 2005

kamusta naman ang pag arte ko sa directing prod ni tezu!? Haha! Buti na lang medyo similar kami nung karakter ko kaya "no sweat" (amazing talaga, ang init-init pero i didnt jabar profusely…konti lang! Haha!) I mean, camownst! get real! sino ang normal na tao ang hindi pinagpapawisan???

okay, nag-enjoy talaga ako! coolness! hindi pa nakakailang yung partner ko na si "Francis" na mas kilala sa tawag na leo alvarado. (’beast’ friend!)

Bibo kid!!! (saludo ako sa yo tsong!)

ryt after the shoot…nag-dinner kami sa italianni’s sa greenbelt care of dimps’ boyfriend (good looking doctor na naka-base sa U.S.) in celebration of dimples’ bday!!!

Sobrang sarap ng food! lalo na ang calamari at yung pizza! ang bait pa ng nag-attend sa amin…si Dan (very game na gurl!!! check siya sa akin talaga!)

GRABE NA ITO!!! HINDI KO NA MALUNOK ANG KASIYAHAN! Sa gitna ng mamantikang mga paperworks na nakahain, meron pa ring matatagpuan na ‘papasa sa panlasa ko’. Yey!!!

Phil. 4:13

Thursday, October 6th, 2005

I can do all things through Christ who strengthens me!

Please don’t go!!!

Thursday, October 6th, 2005

Please don’t go! Don’t go yet!!! Gusto ka pang makita ng mga mata ko, gusto png pakinggan ng aking tenga ang mga salita mo…inaabangan ng katauhan ko ang mga sasabihin mo…

Ang astig mo talaga!!!

The end is near!

Thursday, October 6th, 2005

Sa wakas! Malapit na rin akong makaalpas mula sa pagkakagapos sa mga term papers at pagkakatali sa tapat ng computer!!! Haha!!! Malapit na!