Desperate!!!
Saturday, November 12th, 2005I am desperate for God!!!
I am desperate for God!!!
Kailangan ko ng palitan ang battery ng cellphone ko dahil umaarte siyang parang battery ng 3310. Ilang oras pa lang drain na agad! Ano ba naman yun?
Ang tagal pa minsan maka-receive ng message! After 30 or so minutes!
Hindi pa ako matawagan…nagri-ring lang siya pero pag sinagot ko na…wala akong marinig sa kabilang linya.
May mga importanteng bagay ang nasasablay dahil dito…AAARRRGGGHHH! E hindi ko mapalitan dahil gustung gusto ko ang cellphone na iyon! Battery, kailangan na talaga…
Asar talaga! Pagawa ko na lang.
Whoever is reading this entry, you have the honor to meet someone that I truly appreciate–a friend of mine whom I met in UP (and was taking BS MBB (that’s a WHOA!!!) as his pre-med) and is now studying in St. Luke’s (chose it over PGH for the reason that, as he said, "Mas malapit sa bahay ko…")
Kuya Cheng as we fondly call him (the real name is Michael Cheng) is an unbelievable man! Really! He never fails to surprise me with his thoughts. Amazing! I like it when he triggers my curiosity/interest, makes me really think and in the process, extends the capacity of my brain. Hahaha!!!
He’s an excellent writer. The feel of his writings is melancholic, really touches my soul. The meanings of his works are so deep that sometimes, you really can’t do anything but to let yourself (and your thoughts) be entranced and bewildered.
He is like Mother Willow in the Disney movie, Pocahontas…hahahaha!!! Or…Rafiki in the movie Lion King! Hahahaha!!!
Let me give you some dose of what I’m talking (bragging) about:
Who should be blamed when a leaf fell from a tree?
Is it the wind that blew it away?
Or the tree that let it go?
Or is it the leaf itself which never held tight?
See? Here’s another:
The sky is as empty as its darkness…the void filled by clouds that wander astray. If something is filled by darkness…
Is it then full or empty?
Hmmm…Hey, these are copyrighted huh! Remember, Intellectual Property…hehehe…just making it clear…
Kuya Cheng, in case you are reading this, HELLO!!! I really appreciate those stuff you are sending me.
Ciao!!!
At long last dude! Hindi masyadong kumapit ang ugat ko sa bahay namin…nakalarga din ako! Olats talaga ako before nito.
Dude! Ang saya!!! Ang homey ng bahay ng aking fwend na si Jen. Tinatanong mo kung bakit ako nandoon? E kasi post birthday celebration nya yun. Nag enjoy ako dude! Hindi naman halata di ba? Nakadalaw ulit ako sa Botanic(al) Garden sa loob ng UP Los Baños after 4 or 5 years.
Iba talaga ang sayang dulot sa akin ng kalikasan. Nagiging isa ako sa kanila. Naririnig ko ang kanilang mga pag-uusap, at paminsan-minsan ay nakikisali ako sa mga pag-uusap na iyon, minsan din kasi ay isinasali nila ako.
Nakikitawa at nakikiawit ako sa kanila…kung hindi nga lang sa mga kasama ko na baka isipin nilang nasisiraan na ako ay pinagbigyan ko ang mga puno sa hiling nilang makisayaw sa kanila…
Nakaka-refresh. Mas lalo tuloy nadagdagan ang eagerness ko na magpatayo ng bahay kung saan malapit sa kandungan ng birheng kalikasan. Ang sarap…
Dude, napadpad din kami sa Raptors…na-miss ko sila! Nalungkot lang ako kasi, kumonti sila at ang tamlay nila…nararamdaman ko. Ang laking tuwa nga nila ng makita nila na may bumibisita sa kanila…nagpapansin! Ang cute nila! Hahahaha!!! Nag-iingay para makuha ang atensyon namin. Nahahabag lang ako kasi ang liit ng espasyo nila…baka hindi ma-exercise ang kanilang mga pakpak at natatakot akong baka hindi na nila alam lumipad…tsk, tsk! Mahirap gawin para sa akin, pero kailangan ko rin talagang magpaalam sa kanila…
Naisip ko na lang na kahit nakakulong sila at tila walang kalayaan…mas gugustuhin ko na iyon…kasi malaya naman sila sa mga mararahas na kamay ng mga "bato" o "estatwang" mga tao…
Malayang nakakulong!
Anyways, dude, ang cute ng pusa ni Jen! Hahaha! Si Kitty Ket at si Pussy Kat. Hahahaha!!!
Kasama ko nga pala sina Lester (na makulit), si Val (na bibo), si toths (na kapatid ko), si Jopi (na cosi-cosi; driver din), si kuya josh (na "cute"), si ate neri (na ate neri…yihee!), at si mish! Yung huling tatlo ay hindi nag-overnight.
yun lang! bitin? bahala ka wala nako sa mood magkuwento e. Next time na lang dude!
Ciao amici!!!