Archive for December, 2005

Fireworks

Saturday, December 31st, 2005

I never thought that I would love fireworks this much.

The recently held Lantern Parade in UP ended up with majestic flair–brilliant fireworks display!!!

I was with my friend Andre…we were really awestruck that all we could utter were the words: "Wow!" "Aww.." "Astig!" "Whoa!"

We held each other and enjoy the moment: our eyes reflecting the fireworks and savoring the imaginary trickle of fireworks shower.

That was amazing!

They were all splendid!

I love fireworks..even better than stars.

You know…stars will make you believe that they are there but the truth is that they aren’t there anymore. What we see are just their remnants…(remember…lightyears) The star you are claiming to yourself that is yours is imaginary or illusory.

Pinapaasa ka sa wala…

Unlike fireworks…you can see them actually, mesmerizing you. Though they do not last for long, at least you know that they are the real thing.

Parang honesty sa isang friendship. Masaya kayo, pero after the sparkle alam mo na hindi pwedeng walang problema. Parang longing mo na makakita ulit ng fireworks. Pero mas maganda naman na malaman mo agad na may problema nga kaysa naman paaasahin ka na masaya ang friendship nyo pero may problema na pala siya sa iyo…plastic.

Pero ang star ay may sarili ding hiwaga di ba? Iyon naman ang nagustuhan ko sa kanila…their real beauty…the enigma they possess.

Of course nothing beats God’s creation, isn’t it? But for a moment, let me relish the beauty of fireworks.

HAPPY NEW YEAR!!!

Nasa Huli ang Pagsisisi

Friday, December 30th, 2005

Naniniwala ka ba?

Di ba sa mga palabas sa T.V. o kaya sa mga pelikula…kalimitan nasa huli ang pagsisisi. Yung dun lang nila nare-realize na may halaga pala sa kanila yung mga bagay o tao na hindi nila binibigyan importansya noon? Kung kailan huli na ang lahat, dun lang nila malalaman…

Cliche noh?

Pero may feeling ako na totoo naman ‘to e…Although nakikita ng karamihan sa negative sense.

I came across a statement that made a strong impact to me.

"The main end of life is not to do but to become."

Napaisip ako.

Kaya siguro ang daming frustrated na tao sa sarili nila dahil mas binibigyang halaga ang mga nagawa, ginagawa at mga balak gawin sa hinaharap. Pero nakakalimutang tignan ang nagagawang  hiwaga o pagbabago sa kanilang katauhan nitong proseso ng "paggawa".

Magawa mo man o hindi…alam mong may nabago sa ‘yo, may nadagdag o nabawas, pero ang mahalaga alam mong gumagalaw ka, umuusad…patuloy na sumasabay sa pag-ihip ng hangin…

Kung nakasentro kasi ang tingin sa paggawa…magawa mo, masaya ka pero aminin natin, ang kasiyahan ay parating humuhupa, kakambal pa rin nito ang kalungkutan.

"Kung saan may liwanag, may anino."

Hindi mo magawa…kadalasan natitigil ka sa paggalaw, nasasayang ang oras sa pagmumukmok, sa paninisi sa sarili o sa iba kung bakit hindi mo nagawa…

Totoo. Nasa huli ang pagsisisi pero kaakibat nito ay ang mga realisasyon na nadagdag sa iyong pang-unawa, sa iyong katauhan…alam mo na isa ka na namang panibagong nilalang, handang humarap sa susunod na pagsubok ng buhay…

Refining process…nasisiyahan ako na ang Dakilang Panday ay patuloy na hinuhubog ang aking katauhan na parang isang metal…na sa gitna ng mga paso at init na dulot ng apoy…alam kong may tumatatag sa aking pagkatao.

Im down low…

Monday, December 26th, 2005

I was planning to write a post Christmas thoughts here today…but due to unexpected and unforseen circumstances, I decided to write it maybe tomorrow. I am down way too low…

You see …Boogie, my hamster, left me…I mean, she passed away last CHristmas day…and now…Tango is experiencing the same symptoms and is very weak…

I researched about it (and am still researching)…something to do about the diet and the feeding…It could possibly be Wet Tail, or constipation or diarrhoea… darn! I am so careless…

I am hating myself…overacting? u can say that…if you are not an animal lover…you will never understand…

Now I am still researching for hamster care before buying another pair…can’t risk two more lives just for the fun or pleasure of having a hamster for a pet…nah…couldn’t forgive myself…

hah!

If You Won’t

Saturday, December 24th, 2005

IF YOU WON’T

Nobody ever stays someplace for long
Everyone leaves at the end of the song
But I wont if you won’t
I won’t if you won’t
I won’t if you won’t
If you won’t go
Wanting to know the thing that we don’t know
Wanting to own the thing that we don’t own
But I won’t if you won’t
I won’t if you won’t
I won’t if you won’t
If you won’t go
I won’t if you won’t
I won’t if you won’t
I won’t if you won’t
If you won’t go

(Jesse Harris)

I just love this song…ginawa ko ito as testimonial sa friend ko. Sabi niya, "Thanks ha! Ang daming sense ng kanta…"

I don’t know if sarcastic yun o totoo talagang may sense sa kanya ang kanta.

Parang walang sense…pero if you think about it, ang lakas ng tama sa ‘yo. (O sa akinlang talaga…)

Well, as a friend…Dan J…I won’t if you wont, also means, I believe (though i don’t usually agree…magkaiba pa rin yun) and respect you (your talents, capacity, judgements, beliefs, etc.)

I am here for you…wanna bear hug?

What’s In a Name?

Wednesday, December 21st, 2005

"What’s in a name?"

Nanood ako ng Romeo and Juliet (yung mas nauna, hindi yung kay Leonardo di Caprio at Claire Danes).

Linya ito ni Juliet noong nasa balcony siya…at binanggit niya ang: "o Romeo, o Romeo…"

Aside from the romantic aura of this film (and very good-looking actor/actresse), I am reminded of something deeper than wondering about "O Romeo, o Romeo…"-of-my-life.

I was having a chat with my friend Hermann and someone else, I think it was Lamer or Andre or both of them…well anyway, i uttered this statement: "We have nothing but a name." In fact, the things we own are not actually ours; we just presume that they are our possessions, in short, we are disillusioned.

We own nothing in this world; I will dare to say that even our physical bodies are not ours, they belong to the earth; "from ashes to ashes, from dust to dust."

ONLY ONE THING: A NAME.

So…what’s in a name again?

I Can Show You the World…

Monday, December 19th, 2005

          Im super happy today!!! From now on…makakasama ko na ang isa sa mga ultimate crushes ko–si Aladdin!

          Bumili kami ni Melai ng shirt na si Aladdin ang naka-print! (Note: Disney Kid’s Section) Well…pareho kami ng damit pero large sa akin, medium sa kanya! Hahahaha!!!

          Una kasi si Peter Pan ang bibilin niya tapos nung makita ko si Aladdin mas "hunk" daw siya kaysa kay Peter Pan na boyish…Hahahaha! Fine!

          My description? My kind of guy…adventurous, may friends na animals, maparaan, and ruggedly handsome! Hahahaha!!!

          In fact, suot ko siya ngayon…para kasama ko siya sa pagtulog (Oh my! What’s happenin to me? Am goin creizee!) Hindi…suot ko siya para bukas malabhan na…(lusot ba? Hahaha!) Basta masaya ako! Tapos!

Hala!!!

Monday, December 19th, 2005

          Grabe talaga!!! Hala! Kinabahan ako kahapon! Muntik ng mamatay si Boogie!

          Si Francine kasi a.k.a. "anak meow" ay nanggigil sa kanila at hinulog ang kanilang kulungan na nakapatong sa isang cabinet na katabi ng piano organ namin…naghuhugas pa ako ng pinggan noon! Talagang nagtatakbo ako nung marinig ko na nahulog yung kulungan–tumapon ang pagkain nila pati ang tubig…nakita ko na hindi naman nabuksan ang kulungan nila at gumagalaw naman si Tango…nung tignan ko si Boogie, naipit siya at nakadilat lang…ayaw bumangon o gumalaw…KINABAHAN TALAGA AKO…muntik ng mapaiyak…kinuha ko siya at binuhat ko ang kulungan nila…nilagay ko sa tabi ko habang hawak pa rin si Boogie na mukhang patay na…nabuhayan ako ng loob nung makita kong humihinga siya nung itihaya ko siya! Hinimas ko yung dibdib niya, binuka ang bibig (na may lumabas na liquid), at hinipan ang bibig niya na parang matang napuwing.

          Mas lalo akong natuwa nung nakita kong gumalaw na ang paa’t kamay niya…pero nung pinapalakad ko…natutumba pa rin siya patagilid at hindi na makabangon kaya patuloy ako sa paghimas sa dibdib niya at paghipan…after ng ilang minuto…gumalaw na ang bibig niya kaya sinubuan ko muna siya ng food…tapos napansin ko na isang direction lang ang tinatauban niya so may theory ako na napilayan siya kaya hinilot ko yung kamay niya…

         After ilang hours…MASIGLA NA ULIT SIYA! YEY!!! Grabe talaga…may lagnat na nga yung pinsan ko at dalawa kong younger sisters, sumabay pa si Boogie. Apat tuloy silang inaalagaan ko. (May importanteng lakad sina Mama, Papa at Toths kasama ang mga pinsan ko)

          Kinabahan talaga ako!

          *Feeling ko ay overweight si Boogie…sobrang taba niya kaya pag naglilinis siya tumataob siya pahiga/patihaya…para kasing nahigop paloob yung paa niya at kamay…tapos hindi siya makaakyat sa tower na nilagay ko sa kulungan nila…si Tango lang ang nakaka-avail…

Hick is Chick Part 1

Saturday, December 17th, 2005

Remember nung nagkuwento ako tungkol dun sa BookSale escapade namin ni Ate Vic (my Bedelia)? Bumili ako ng book for the reason na may mabili ako. Ang pinalad na libro na hindi na muling maghihintay pa ng aampon sa kanya (tulad ng mga pets sa Bioresearch) ay ang Hick is Chick: A Guide to Etiquette for the Grossly Unsophisticated by Jeff Foxworthy.

Ang crazy ng book na ‘to! Enjoy ako!

Lagay ko dito (installment) yung mga nakapagpatawa sa akin (gross din yung iba…) para naman ma-avail nyo rin…

Enjoy!!!

PERSONAL HYGIENE

Bathing–How Much, How Often

While lye soap is a quick-fix solution, it has been scientifically proven that regular bathing goes a long way towards a lice-free lifestyle.

Manicure and Pedicures

Sometimes you may find it impossible to chew a fingernail evenly. Don’t panic. Household scissors or sharp steak knife can usually handle the task. Toenails, however, present a tougher problem, and a strong wood file or boltcutter often provide the answer. Remember to always put nail clippings in their proper place–the ashtray.

Dirt and grease under nails is a social no-no, as they tend to detract from a woman’s jewlry and alter the tastes of finger foods.

Corns and Calluses

Foot surgery is a budget buster, but expensive doctor visits can often be avoided by doing certain procedures in the privacy of one’s own home or automobile. For example, corns and calluses can be removed using a common potato peeler. Remember never to cut against the grain.

Polish

A coat of brightly colored polish can be very effective in drawing attention away from warts and open wounds, thus saving a girl unwanted embarrassment. It can also get a guy a great table in most restaurants.

to be continued…

KAASAR NO? Pero na-enjoy ko. Hahahaha! Pervert!

Hamptaro2

Friday, December 16th, 2005

Naalala ko lang…yung naramdamang kong pag-aalala at pagpahalaga kay Boogie noong naging palalo siya at resulta noon ay nawala siya…

Naisip ko lang…yung effort na ginawa ko para mahanap ko siya sa madilim na sulok (kumuha pa ang Mama ko ng flashlight para hindi ako mahirapan sa paghahanap); pag urong sa mabigat na cabinet; pagsuong sa maalikabok na sulok; pagtanggal ng mga sagabal…

Naalala ko lang…kung paano ako hinanap, hinahanap at hahanapin ni Lord. Malala pa ang dedikasyon Niya. Mas flaming ang pagmamahal. Puro ang pagmamalasakit. Mas doble ang effort.

Nawala ako, natagpuan Niya ako at inalis sa kadilimang kinasasadlakan ko…nilagay sa liwanag, binigyan ng tahanan, at pinakain (provisions).

Naalala ko ang Parabula ng Nawawalang Barya (Parable of the Lost Coin)

Kung paano halos baligtarin ng isang tao ang kanyang bahay para lamang matagpuan ang isang nawawalang barya…

Galing…Astig magmahal si Lord!!!

Hamptaro

Friday, December 16th, 2005

May bagong salta na naman sa residence ng Alvarez family sa San Pedro, Laguna…dalawa pa.

Ganito yon…

Si Asta kasi ay mahilig magpunta sa Bioresearch tuwing pupunta sa SM North, SM Southmall at recently lang ay nadiscover niya na mayroon din sa Festival Mall…

Kaya lang noong una ay ayaw niya kasi nababahala siya na baka mamatay lang pag iniwan niya sa bahay nila at siya ay laging mag-aalala sa boarding house niya na nasa malayong lupain ng Diliman, Quezon City.

Pero hindi talaga siya patahimikin ng mga nagcu-cute-an na mga hamsters! Naalala niya rin ang rections ng dalawa niyang nakababatang mga sisters at ng pinsan niya na kasabay niyang manood ng cartoon na "Hamptaro" sa Kapuso tuwing umaga (during the sembreak)–tungkol sa adventures ng mga hamsters…

Nagdesisyon siya na bumili ng mga hamsters at iregalo sa tatlong mga bulilit na kasama niya sa bahay.

Balak sana niya sa Glorietta o SM Makati subalit hindi niya alam kung saan ang Bioresearch doon (saka na lamang niya nalaman na mayroon pala sa Glorietta 1 pagtingin niya sa plastic na pinaglalagyan ng isang pack ng pagkain ng hamptaro); bumili na lamang siya sa Festival Mall…(nandoon na rin lamang, isinakatuparan na rin niya ang matagal ng balak na manood ng HP4)

Pinakilala niya sa akin yung mga hamsters nila: Si Boogie at si Tango.

Si Boogie ay mas malaki kay Tango at mas malikot at makulit…

Sa kakulitan ay nawala at napadpad sa mahirap abutin na sulok…kinailangan pang itulak ang isang cabinet para lamang maabot siya ni Asta…napakakulit, ayaw pang sumama noong una pero unti-unti rin siyang lumapit…naisip siguro na walang magpapakain sa kanya doon…Hahahaha!!!

Buti naman!