Archive for July, 2006

Run! If You Get Tired and can run no more, run!

Saturday, July 29th, 2006

Tick Tock-bo!

Tick tock tick tock…

Oras tumatakbo.

Tick tock tick tock

Takbo bilis takbo!

Tick tock tick tock…

Naku! Andyan na!

Tick tock tick to–

Ay! Ubos na baterya!

Balahibo

Wednesday, July 5th, 2006

Nakita ko siya.

Naglalakad sa initan, pasan ang bag pack,

palambitin pang nakayakap ang pouch bag

sa kanyang beywang.

Hindi ko man maaninag sa mga mata niyang

natatakpan ng kanyang asul na sombrero,

inihayag naman ng hingal sa kanyang paghinga

ang pagod na pilit niyang sinasawata sa isipan.

Hawak niya ang isang nagyeyelong bote

ng berdeng inumin—C2.

Kasama niya ang kanyang dalawang kaibigan,

nakasombrero din ang isa at ang isa ay

preskong tignan sa maikli niyang buhok.

Narinig kong nagtanong ang kasama niya:

“Manong, saan po dito yung balahibo ng manok?”

“Hindi ko alam…” BIGLANG “Balahibo ng manok?

Dito! Dito!” singit ng isang manong.

Nakita ko ang pagtitinginan at alinlangan

sa mukha nilang tatlo.

Napansin din pala ni manong.

“Meron dito! Halikayo!”

Sinundan ko sila sa makitid na eskinita.

Napadpad sila sa patahian ng mga

maong na pantaloon kung saan

ang mga mananahi ay mga lalaki.

“Sandali lang ha! Pupuntahan ko lang. Ilan ba?”

Sabi ng isang matabang lalaki.

Nagkatinginan ang tatlo, nalilito.

Tinanong nila kung magkano.

Isang daan at animnapung piso.

“Tignan po muna namin.”

Naghintay sila.

Pinaupo ng mga natirang mga manong.

Tinanong sila. Sinagot nila.

Biniro, magiliw na nakisakay naman sila sa biro.

Dumating na!

Nagkamali daw pala siya ng estima ng presyo.

Mas mataas: Dalawang daan at tatlumpung piso.

Nakita ko ang paghihinala at pagkabahala sa

mga mata nung babaeng kanina ko pa tinititigan.

Ang mga mata niya!

Nakita ko na rin sa wakas!

Inayos niya ang asul niyang sombrero

at matamang binistahan ang lalaking nagdala

ng balahibo ng manok.

Tumawag ang isa niyang kaibigan sa telepono,

tila hinihingi ang pagsang-ayon ng nasa kabilang linya

“Bilhin nyo na ‘tong apat. Nakuwenta na kasi ito e.

Baka mag abono pa ako.”

Nagtinginan ulit ang tatlo.

“Walong daan na lang ‘tong apat.”

Hirit ng lalaki.

Nakita ko na umiling siya. Umiling ang babae.

Nag-uusap silang tatlo nang hindi man lamang

bumubuka ang kanilang mga bibig.

Mas maigting ang pagtutol na nababakas ko

sa mga mata niya. Tila nagpapaliwanag siya

sa isa pang nakasombrerong kasama niya.

“O pitong daan na lang ‘tong apat. Mabili lang.”

Nagtinginan ulit.

Napansin ng isang mas nakatatandang manong

ang pagmamatigas niya.

Marahan at may pagkagiliw na tinapik nito

ang nguso ng sombrerong tumatakip

sa kanyang mga mata.

“Ito kasi kung anu-ano ang nakikita.”

Wika pa ng manong at ngumiti.

“O sige 650 na lang! Yan kunin nyo na!”

Isinilid na ng may katabaang manong

ang apat na supot ng puting balahibo ng manok.

Ang ngiti ng babaeng iyon!

Date Tayo!

Tuesday, July 4th, 2006

This entry is long overdue. I should have posted this last month. Yeah right…I know. Procrastination is the word.

This corner here is for my father whom I so love! He’s the man!!!

"Pa, saan ka punta?" has always been my favorite line.

"Sa ganito, sa ganoon. Bakit? Sama ka? Bihis ka na." Whether car wash, going to the supermarket, buying something at the mall…whenever I’m dying to buy something but got no money, he’s the man to turn to…with or without the help of my charm. Hehe!

Car accessories there, blouse here; hardware there, a pair of shoes here; his shoes, a good book for me; computer stuff, painting stuff for me; car shampoo, hanging plastic flower for my room;

Ong thing in common whenever we bond? Fresh fruit shakes! Mango for him, mango for me! It never fails.

Oh! And did I mention that he’s cool? Very athletic–from badminton to tennis to bowling to rugby (whoah! this one here, the last sport, he "used to" play during highschool, can’t imagine him playing rugby at present).

I love my father. My Papito!