Archive for August, 2006

Para sa yo…

Monday, August 28th, 2006

icang.

simpleng pangalan na kay siksik ng kahulugan.

para sau kapwa ko nagmahal sa isang rakista, tanto ko ang hapdi ng nalukot na pag-asa.

Sabay tayong nangalay sa pagtingala sa ating bituin…

ngunit ang pagkinang niya at pagsayaw sa langit ay laan para sa iba. masakit. nakakatawa. baliw na ata tayo. pero ayos lang.

ang sentimyento natin ang pinagharap sa salamin.

matapang ika nila? alam natin ang sagot dyan.

hindi ko sasabihin dahil iyon ang katapusan ng maganda at nakakahayok na sining ng mga sikreto…

hay. matulog muna tayo at hintayin ang pagsapit ng isa pang gabi upang doon ay may panibago tayong bituin na titingalain.

mahal. kita.

pinapahalagahan. kita.

sugod mga kapatid! asta_rocks

Why Oh Why?!

Friday, August 25th, 2006

Naaasar na talaga ako…

Bakit ba may mga lalaking sadyang makapal ang mukha sa kabastusan?!

Grabe na talaga…nung umpisa nakakapagtimpi pa ako kasi hindi swak sa akin yung magsisisigaw sa kalye dahil ang mga ganoong klaseng lalaki ay sadyang napakagaling mambaliktad ng sitwasyon…kaya hindi ko na hihiyain pa lalo ang sarili ko.

Isipin niyo habang naglalakad ka bigla na lang may tatapat sa nilalakaran mo at ihahayag ang mga walang modong salita tulad ng: "Miss date tayo." o kaya "Miss, labas tayo!" ANG BASTOS TALAGA! ANG KAPAL NG MUKHA!

Meron pang iba na grupo (at nagtataka ako bakit laging tatlo sila, madalas talaga) na kasalubong mo at kay luwang luwang ng dadaanan ay kung bakit haharang sa daan mo at papagitnaan ka nila! MGA POWER TRIPPER! Such "pain in the neck" they are!

Meron pang ibang mga traysikel driver na pagbaba mo sa tapat ng bahay niyo ay bigla kang kakausapin at tatanungin na "Miss, dito ka nakatira?" E ano ngayon sa yo?! Pfffft! Tapos bago pa yun, magsasalita pa in codes ang mga iba pang hayok sa pambabastos ng "iba yata ang tunog ng motor mo ngayon ah!" sabay tawanan!

NAKAKAPANG-INIT NG ULO AT BUMBUNAN!

AND TO THINK NA MAAYOS ANG PANANAMIT KO! Gamit ko na nga minsan yung t-shirt ng kapatid ko e, at hindi talaga ako nag-sleeveless unless naka-kotse (plus laging may ternong sweater or polo shirt), and my staple bottom wear ay pants/jeans…

Pag kinukuwento ko sa mama ko, nanggagalaiti din at sinasabing: "ang kapal ng mga mukha!"…once narinig din ni papa, na-guilty dahil hindi niya raw ako nahahatid kaya minsan hindi ko na lang sinasabi kasi kargo de konsiyensya pa nila…baka tumaas ang blood pressure.

I MEAN, NAKAKAASAR LANG TALAGA! MINSAN TINITITIGAN KO NA TALAGA SILA NG NAKAKUNOT ANG NOO AT NAKASIMANGOT, yun! Dun lang naduduwag at umiiwas ng tingin. Kala nila! ANG SARAP NILANG UMBAGIN!!!

MGA BARBARO!!!

Hay, Lord! Paano ba pagaganahin ang patience and perseverance dito or forbearance?

Nakakaasar kasi sila talaga…

Sei Shonagon

Thursday, August 3rd, 2006

In spring it is the dawn. As gradually the hills come to light, their outline is faintly dyed with red and wisps of purplish cloud trail over them.

In summer, the nights. Not only when the moon shines down, but on dark nights too, when the fireflies flit to and fro, and even when it rains, how beautiful it is.

In autumns, the evenings–evenings when one is moved to see the brilliant sun sink close to the edge of the hills and the crows fly back to their nests in 3s and 4s and 2s; or more charming still, a file of wild geese, tiny in the distant sky. And when finally the sun has set, how moving to hear the sound of the wind and the cry of the insects.

In winter, the early morning. Beautiful indeed when it has showed during the night,  but delightful too, when the ground is white with frost; or even when it is simply cold and the attendants hurry from room to room, stirring up the flies, and bringing charcoal, how well it fits the season’s mood.

From the Pillow Book

Sei Shonagon

(Edited by Kaneko)

Martin!!! Happy Birthday!!!

Wednesday, August 2nd, 2006

Martin!!! Soree talaga ha!!! Hala talaga!!!

Happy Birthday! Nakalimutan kita batiin! Naku! Patay ako!!!

Basta hintay mo na lang gift ko sa ‘yo.

Okee? Okay!!!