Akayin mo ako at Sabayan…
Salamat!
Kay Reza at kay Digo!
May narealize ako nung nag-jog tayo ng 5km nonstop sa Acad Ocal. Hindi kayo ang tipo ng kaibigan na mang-iiwan sa gitna ng paghihirap at pagdurusa.
Nung moment na akala ko hindi ko na kakayanin pang ihakbang ang mga paa ko to move forward…lumingon kayo, in-encourage ako, at higit sa lahat sinabayan niyo ako–salamat sa pagbagal ng pace para masabayan ang mga pagal na hakbang. Sa pag cheer sa akin nung nawawalan ako ng pag-asa. Salamat sa paglingon at sa sabay-sabay na paghinga.
Salamat.