Time Travel(s) With Pareng Bokz
Minsan nagkatagpo kami ng aking kaibigan na si Bokol (totoong pangalan: John Michael Luat) sa mundo ng txt msg-ing:
Bokz: Kumusta? Ano ginagawa mo?
Napaisip ako kung naka-template na ba sa utak ng bawat tao ang tanong na ‘to pag may makakasalubong na kakilala na matagal-tagal na ring hindi nakita o nakausap. At tulad ng reaksyon ng isang taong tinatanong, sasagot ako. Pero hindi ko muna gagamitin ang naka-template na sa utak kong “Okey lang. ‘Kaw?” Sa halip, ang isinagot ko ay:
Ako: Eto, nagbi-business, nagsusulat ng mga kuwento (may mga kuwento nga ba?),
tula , nagpe-paint, at minsan nag-iindulge sa pagiging pabigat sa magulang.
Magkaibigan nga kami dahil ang sagot niya ay sa tingin kong pinakamagandang sagot sa buong mundo:
Bokz:
Aba magaleng! Yan ang tamang gawain! Ako nga e absent na naman! Haha.
Naku patay! Kelan daw ang reunion o! Ni wala pa nga akong nakokontak sa mga repapips namin e! Nadale ako sa tanong nitong mokong na ‘to ah. Teka…isip ng dahilan. Isip! Isip! Sabi ko:
Ako: Hmp! Ang hirap naman kontakin ng iba (Ows? Talaga?) Alam mo ba ang number ni Jaemin? (Hay…Maaasahan talaga ang “pagtatanong” bilang pag-iiba ng usapan o pagkukunwari na interesado sa magaganap.)
Tunog ng cellphone ko. Si Bokz ulit:
Bokz: Meron ata e. Sandali send ko sa ‘yo pero di ko sure kung active pa eh.
Tunog ulit cellphone ko:
Bokz: BEGIN: VCARD VERSION: 2.1 N:; Jaemin-Smart TEL; CELL: 0919240**** END: VCARD.
Tinanong ko siya:
Ako: Bakit ka absent?
Ang panget naman kung sa BEGIN: VCARD at END: VCARD mapuputol ang komunikasyon naming. Ang panget talaga.
Bokz: Em sick. (May kaartehan sa utterance itong friend ko na ‘to!) Mukang magkaka-flu or katams (katamaran) Haha asteeg noh! (Ang TM na tawa ulit at ang “noh” ko na nakuha na rin niya.)
Ano ang isasagot ko? Mang-aasar ba o seryoso? Baka kasi may sakit na nga ang tao, loloko-lokohin ko pa. Sige na nga! Nagsimulang pumindot-pindot sa keypad:
Ako: Bka katams lng! Laki mong tao sakitin! Higante nga e. Wahahaha! (Ang pang-asar na tawa pero at least may buhay ang isang ‘to)
At tulad ng inaasahan kong reply niya:
Bokz: Argh! Seryoso un noh! Taghrap nga ako huminga eh. Malamang taba k lng cgro un noh!? Haha. (Ayun o!) Kw nmn bt anjan k? Wla kbng ggwn n mahalaga?
Halos lahat ng taong nagtatrabaho ay tingin nila sa kanilang ginagawa ay mahalaga—mas mahalaga sa relasyon sa kapwa, pamilya, kaibigan, kapuso, at kung ano pang relasyon meron ang tao. Pero sige, sasagot ulit ako:
Ako: Mahalaga? Ano ba ang mahahalagang bagay para sa ‘yo? Bka magkaiba tayo ng tingin kung ano mhlga. Mhlga nman ang gnagawa ko…Nakikipagdate at bonding kay Time.
Para sa akin ay mahalaga talaga ang minsan tumunganga at kilalanin ng mabuti si Time o si Oras. Yung iba kasi, oo nga’t mahalaga para sa kanila si Time pero ginagamit lang naman nila siya. Hindi nila naiisip na huminto, umupo (o tumayo kahit parang tuod) at makipag-bonding kay Time. Pakiramdam ko, magtatampo sa akin si Time pag napansin niyang ginagamit ko lang siya. Akusahan niya pa akong “user-friendly”.
Kanina pa tumunog ang cellphone ko kaya lang abala pa ako sa paglalahad ng istorya ni Time kaya dito pa lang papasok ang reply ni Bokz:
Bokz: Amfs! (Hindi ko alam ‘to tulad ng katangahan ko nung i-text ko kay Leo
Valencia kung ano ang ibig sabihin ng PM sa internet lingo: Personal Message.) Ganun? Mukhang close na close n kyo noh!? Hahaha. (Uy, kakaiba!)
Ako: Op kors. At nag-eenjoy ako ksma sya. Hahaha. (Nakigaya sa kakaibang tawa kumpara sa “Haha”)
Minsan kailangan iparamdam ko kay Time na enjoy akong kasama siya para sa susunod na mawalan ako ng time kay Time, hindi niya ako masyado mami-miss at akusahan ng “user”. Maganda ng isipin ‘yon.
Nagutom ako kaya kumain muna ako ng meryenda—Pansit Malabon. Inaasahan ko bago ako bumaba na may “1 message received” na nakalagay sa screen ng cellphone ko, pero may parte din ng pagkatao ko na iniisip na wag na lang sana. Mape-pressure lang ako na bilisan ang pagkain ko para mareply-an agad si Bokz para hindi siya mainip. Unfair naman sa kinakain ko at sa mga nagpakahirap maghanda at magluto di ba? Pinaghirapan nila tapos hindi ko nanamnamin, hindi ko lubusang maaapreciate?
Pag-akyat ko nga ay nangangatal akong tignan ang cellphone ko. Walang “1 message received”. Masisiyahan ba ako o manghihinayan ng kaunti? Pati pala ‘yon ineeksenahan pa ng “mixed emotion”. Haha.
Bago pala nagsimula ang kulitan naming ni pareng Bokz ay may nag-text sa aking numero lang ang nakalagay.
+63917460****: Woi! Globe na ulit ako! Ü
Siyempre nagtaka ako. Kahit kayo rin i-text ng kung sino na number lang at walang anumang pagkakakilanlan ay magtataka.
Ako: Huh? Hus ds? (Pasosyal di ba? Pwede naman “Sino ‘to?”) Bokz?
+63917460****: Weh! Binura mo number ko noh?! Hmp!
At medyo nais kong batukan kung sino man ang nagte-text na ‘to sa akin (dahil malakas ang hinala ko na si Bokol nga ‘to) dahil hindi pa sinabi ng diretsahan kung sino siya. Nagtampururot muna.
Ako: Weh. Si Bokz ka nga?
+63917460****: Weh weh ka jan! Bokz 2! Hmmmmp!
Ayun! Pinahirapan mo pa kasi sarili mo e. “Bokz” lang naman ang hinihintay kong makita. Hahaha. Pero siyempre nag-alala naman ako dahil mukhang nagtampururot ang repapip ko:
Ako: Binura ko na kasi akala ko di mo na gagamitin. Yung Smart na lang. Sori po!
Bokz: WushOoOo! Inirase m prn ung number kow! Wuhuhuhuhu.
Tignan mo ‘tong lalaking ‘to. Pag ako nagtampururot ewan ko lang—ni hindi na nga napakilala ako sa GF niya as promised e kasi nag-break na sila. Haay…ang bilis na talaga ngayon. Pa-instant instant—Instant noodles, instant coffee, rice burger (walang ‘instant’ kasi masaya din ang maiba), instant GF at BF, instant Ex-GF at Ex-BF.
Kaya tuloy nangangaral si Time. Ang problema konti o wala man lang humihinto at pumiling makinig sa kanya. Tsk! Tsk! Di bale Time, andito lang ako para makinig hanggang mag-mature ka at maging Eternity na.
Haha.
Hindi na nga nag-reply si Bokz. Baka tuluyan nag hindi kinaya ang sama ng pakiramdam at itinulog na.
Ang mga magulang ko, tulad ng iba, hindi maintindihan ang passion ko pagdating sa pakikisalamuha kay Time. Pero sabi sa akin ni Time, darating ang Panahon (kakambal niya) na magiging magulang din ako at maiintindihan ko rin sila.
Pahabol pa niya sa akin: Take your “time”.
Sabi ko: Eto na nga e.
October 7th, 2007 at 12:58 am
Haha. Naenjoy ko siya basahin!