Isang Araw na Puno ng Pighati’t Saya
Sabi ni Aaron (Laylo):
Datapwat higit na mainam kung pansamantala’y itago ko muna sa likod ng mga ngiti ang mga lumbay at pighating pilti na tumatakas sa ubod nitong loob.
Marahil, naikubli ko nga yaring pait ng damdamin subalit ang mga mata’y walang tunay na ningning at yaring puso’y nakaganyak pa rin ng huwad na kalutasan at umaapaw pa rin sa kalungkutan.
Ay! Bakit yaring sarili ay hindi binabagkas ang landas ng ligaya bagamat may puwang naman upang ito’y makamtan.
Tugon ko naman:
Marahil ito’y sa kadahilanang, ang mga tulad natin ay sadyang sumusuong sa hirap at pighati sapagkat doo’y naniniwalang matatagpuan ang purong ligaya–ligayang yakap ng pighati.
Di ba’t tulad ko, ikaw ri’y naniniwalang wala ng tatamis pa sa ligayang dulot ng sakit at hirap?
Tugon ni Aaron:
Ibig kong sumang-ayon sa iyong isinalaysay kaibigan. Labis lamang ang pag-apaw nitong pusong nabugbog sa sakit at pighati.Tunay at di mababali ang katotohanang nasubok na sa libong taon, ang pusong naligo sa dugo, luha at dalisay na tubig ang siyang umaahong taglay ang walang katumbas na biyayang tagumpay at lakas mula sa Maykapal.
Siya ulit:
Kaya naman, salamat, kaibigan.
Actually, kahapon pa yung pain. Lumipas na. Haha…Trip ko lang magpakamakata ngayon. Haha.
Ako na ulit:
Haha! I really love it when we text that way. I really do! Anyway, continue ko ulit yung painting ko. Nagpe-paint kasi ako ngayon eh. I’m painting my hurt and sadness.
Si Aaron:
Wow! Ako rin dapat magpepaint this week. Oil painting na kaso kinapos sa budget! Haha. Sayang. Kumpleto na brushes ko. Mahal kasi ng oil. Haha.
—
November 2nd, 2008 at 5:01 pm
Thank you for your site
I made with photoshop backgrounds for myspace,youtube and ect..
my backgrounds:http://tinyurl.com/5fmh8q
take care and thank you again!