ReviewReviewReview EJ: Ang Pinagdaanang Buhay Nina Evelio Javier at Edgar Jopson
Napapanahon.
Tinatalakay dito sa rock musical na ito ang buhay nina Evelio Javier at Edgar Jopson. Hindi man sila nagkadaupang-palad, pareho ang isinisigaw ng kanilang puso–ang makatulong sa bayan sa alam at pinaniniwalaan nilang paraan.
Pinakita dito ang magkaiba nilang pamamaraan sa pagkamit ng kanilang iisang layunin na labanan ang namumunong diktador na si Marcos at ang mga katiwalian ng kaniyang rehimen.
Nagustuhan ko ang pag-maximize sa space ng entablado bilang tanghalan at ang pag-iilaw ay mas nagdagdag ng kulay sa kuwento at emosyon ng dula.
May mga panahon nga lamang na ang mga boses ay nalalamon ng banda at minsan ay talagang hindi nagtutugma sa aking pandinig.
May pagkakataon din na hindi ako maksasunod sa layon at nalilito ako sa daloy ng mga pangyayari.
Pangkalahatan ay nagustuhan ko siya, kasama na ang mga pabugso-bugsong pagtawa sa ilang mga kaganapan.
Visit www.tanghalangpilipino.com